Sunday, July 30, 2006

Phoemela Baranda Lulong sa Masamang Bisyo?

Lulong nga daw umano ang sikat na model turned TV host na si Phoemela Baranda sa alkohol at droga. Ngunit maluha luhang pinabulaanan ito ni Phoemela. Aminado naman siya na napagdaanan na niya ang droga ngunit natuto na siya at dahil sa mahal niya ang kanyang trabaho ngayon ay di na niya ito uulitin. Aminado rin si Phoem na siya ay umiinom pero ito ay white at red wine lamang at ito ay dahil sa kanyang trabaho bilang model kung saan kasama diumano ito sa mga dinner.

Jay-R at Borgy Manotoc Nagsuntukan

Nagsuntukan nga diumano sa Embassy Bar sa The Fort and Fil-Am singer na si Jay-R at anak ng kongresistang si Imee Marcos na si Borgy Manotoc. Hindi pa malinaw ang dahilan kung ano ang pinagsimulan at kung sino ang nagsimula ngunit maari daw na ito ay dahil sa babae.

Friday, July 28, 2006

Gwen Garci Type ni Will ng Black Eyed Peas

Matapos nga ang matagumpay na concert ng Black Eyed Peas sa Araneta Coliseum ay nagdate nga si Will at Gwen. Aliw na aliw daw diumano si Will sa alindog ni Gwen at ayaw na pauwiin ang dalaga. Bagamat nakalimutan na ni Gwen ang ex-bf na si Andrew Wolfe ay di pa ito handang sumabak sa panibagong relasyon.

Aiko Melendez Nanganak Na

Nagsilang na nga ang aktres at konsehal ng Quezon City na Aiko Melendez. Babae ang kanyang baby na tumimbang ng 8 pounds. Martina ang ipinangalan ng mag-asawang Aiko at Martin Jickain sa kanilang unang baby.

Thursday, July 27, 2006

Dennis Roldan Nakalaya Na

Tuluyan na ngang nakapagpyansa ang dating aktor at congressman na si Dennis Roldan sa kasong kidnapping. Dismayado naman ang pamilya ng biktima sa pangyayari. Dumiretso muna si Roldan sa bahay ng kapatid na si Isabel Rivas.

Wednesday, July 26, 2006

Sukob Nalagpasan ang Feng Shui

Nalagpasan na nga ng pelikula nila Kris Aquino at Claudine Barretto na Sukob ang box-office record ng Feng Shui. Todo suporta naman ang nanay ni Kris na si dating pangulong Cory Aquino. Naroon din sila Raymart Santiago at James Yap na kapwa sumuporta sa kanilang mga maybahay.

Anne Curtis Gustong Maging Nurse

Gusto nga maging nurse ng dalagang aktres na si Anne Curtis ngunit hindi para kumita ng dolyar at mangibang bansa. Ito ay dahil sa isang insidente kung saan nakita nya ang isang nurse na nakapagrevive ng sanggol na hindi na humihinga. 21 na si Anne ngayon ngunit siya ay 3rd year high school pa lamang dahil sa tumigil siya sa pag aaral para bigyang daan ang kanyang showbiz career. Ngunit desidido si Anne na tapusin ang high school at tuparin ang pangarap.

Tuesday, July 25, 2006

Dennis Roldan Posibleng Makapagpyansa

Pinayagan na ng korte na magpyansa ang dating aktor na si Dennis Roldan. Si Roldan ay nakasuhan ng kidnapping na tinuturing na unbailable offense ngunit sinabi ng korte na mahina daw ang ebidensya laban kay Roldan kaya maari siyang magpyansa ng 500 thousand o kalahating milyon. Nadismaya naman ang kaanak ng sinasabing nabiktima ni Roldan.

Saturday, July 22, 2006

Keanna Reeves Ginagamit lang ni Andrew Wolfe

Huwag naman sana. Ito ang wish ng ex ni Andrew at Viva Hot Babe na si Gwen Garci ng hingan sya ng pahayag sa relasyon ni Keanna at ng binata. Mukha namang patay na patay itong si Keanna sa bagong boyfriend na isang ramp model. Naging kilala si Keanna dahil sa pagsali niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition na kung saan ay siya rin ang nagwagi.

Antoinette Taus Nagbalik para kay Dingdong Dantes?

Nagbalik nga ba si Antoinette Taus para guluhin ang relasyon nila Dingdong Dantes at Karylle. Anim na taon din silang nagsama bago natapos ang kanilang relasyon isa't kalahating taon na ang nakakaraan.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ng dalaga at sinabing nagbalik siya dito sa bansa para magbakasyon. Hindi pa rin umano siya sumusuko sa kanyang pangarap na mapenetrate ang Hollywood scene. Meron na umanong producer na kumuha sa kanya sa States.

Friday, July 21, 2006

Heart Evangelista tinangkang i-take home ni John Estrada?

Ito nga umano ang dahilan kung bakit kinompronta ni Jericho Rosales si John Estrada sa premiere night ng Superman Returns. Nang magkita umano si John at Heart sa isang bar ay maaring ito ang pinahiwatig ni John Estrada na labis na ikinasama ng loob ng dalaga.

Ngunit ayaw nang magbigay pa ng detalye si Heart upang makaiwas na sa lalo pang paglaki ng iskandalo.

Thursday, July 20, 2006

Bakekang sa GMA 7

Nagkapirmahan na si Wilma Galvante at Carlo J. Caparas at susunod nang primetime soap opera ng GMA ang Bakekang. Wala pang napipiling gaganap sa role na ito ngunit maari daw na magpa audition para sa role.

Sa mga nagnanais na maging artista, maaring ito na ang pagkakataon na hinihintay ninyo.